-- Advertisements --
Ikinasal ang social media influencer na si Zeinab Harake sa nobyong basketbolistang si Bobby Ray Parks Jr.
Sa social media account ng dalawa ay ibinahagi ang kaganapan sa pag-iisang dibdib na ginanap nitong Hunyo 1, 2025.
Isang payak at intimate ang pag-iisang dibdib ng dalawa na ginanap sa Crystal Palace sa Tagaytay City.
Naging limitado ang mga inimbitahan na dumalo at pawang mga malalapit na kaibigan at kaanak ng dalawa dumating.
Bumuhos naman ang pagbati mula sa mga malalapit na kaibigan ng dalawa.