-- Advertisements --

Inirekumenda ng isang kongresista na dapat kumuha ng congressional franchise ang Meta o Facebook  bago makapag-operate sa Pilipinas sa naging pagdinig kahapon ng House Tri Committee.

Ayon kay Representative Johnny Pimentel ng Surigao del Sur, kailangan ang naturang regulasyon sa harap ng patuloy na pagtanggi ng Meta na alisin ang mga verified fake content bukod sa kawalan ng compliance.

Ayon kay Pimentel, mismong ang gobyerno na sa pamamagitan ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang nag-issue ng memorandum para i-take down ang fake news at disinformation pero binabalewala lamang ito.

Giit ni Pimentel,  nag-o-operate ang Meta sa bansa pero hindi nagbabayad ng tamang buwis at hindi sumusunod sa tamang regulatory standards.

Sa datos ni Pimentel,  90-million users ng Meta sa Pilipinas at ang bansa ang pinakamalaking market nila sa Southeast Asia.