‘VIGAN CITY – Tatlong araw umanong pumila sa labas ng Scotiabank Arena sa Downtown, Toronto, Ontario, Canada ang mga nanuod ng live streaming ng Game 6 ng NBA Finals at nakasaksi sa makasaysayang pagkapanalo ng Toronto Raptors.

Sa ulat sa Bombo Radyo Vigan ni Bombo International Correspondent Marnie Campos na galing sa lalawigan ng Abra ngunit nagtatrabaho sa isang retirement home sa Canada, sinabi nito na may ilan na nag-leave pa sa kanilang trabaho para lamang makapunta sa Scotiabank arena at doon manood ng Game 6.

May ilan din umano na nagdahilan pang may sakit upang makapanuod lamang ng nasabing laban at maipakita ang suporta sa Raptors.

Ayon kay Campos, maging sa retirement home kung saan umano ito nagtatrabaho ay nagkaroon pa ng mini Jurassic Park para sa mga nakatira doon na gustong manuod ng Game 6.

Aniya, sulit naman umano ang hindi pagpasok ng ilang Canadians sa kanilang trabaho dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay nakamit ng Raptors ang kampeonato sa NBA at tinalo nila ang 2-time defending champion na Golden State Warriors sa iskor na 114-110.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here