-- Advertisements --

Nagpasya ang ilang private schools na huwag magtaas ng mga sisingilin at itaas ang mga tuition fee sa susunod na taon.

Ayon sa Coordinating Council of Private Educational Associations (COCOPEA), naiintindihan nila ang pinagdaanan ng mga magulang na naapektuhan ng coronavirus pandemic.

Dagdag pa nito na marami sa kanila ang hindi na nag-apply ng pagtaas ng singil sa tuition at binawasan na rin ang mga babayarin.

Aminado naman si Federation of Associations of Private Schools Administrators president Eleazardo Kasilag na sa ipapatupad na blended learning ng Department of Education ay posibleng maraming mga paaralan ang magsasara dahil sa mababang bilang ng enrollment.