Pinatatag ng mga opisyal ng Philippine Army (PA) at Republic of Korea Army (ROKA) ang kanilang depensang alyansa sa pagbisita ni Maj. Gen. Shin Eun-bong, Personnel Command chief ng ROKA, sa PA headquarters sa Fort Bonifacio noong Martes.
Ayon kay Col. Louie Dema-ala, tagapagsalita ng PA, sinalubong si Shin ng PA vice commander Maj. Gen. Efren Morados, at muling pinagtibay ng dalawang lider ang kanilang pangako sa pagpapalakas ng matagal nang alyansa sa depensa sa pamamagitan ng personnel development, training exchanges, at capacity building.
Pinuri ni Morados ang patuloy na suporta ng Republic of Korea Army (ROKA) sa mga programa ng PA at binigyang-diin ang kahalagahan ng pagpapalalim ng bilateral defense relations upang tugunan ang mga hamong pangseguridad at itaguyod ang katatagan sa rehiyon.
Noong nakaraang buwan, nagkaroon ng high-level talks sa Seoul sina PA chief Lt. Gen. Antonio Nafarrete at ROKA chief of staff Gen. Kim Gyu-Ha, na lalo pang nagpapatibay sa ugnayang militar ng dalawang bansa. (report by bombo Jai)










