-- Advertisements --

Nakatakdang dumating ngayong araw , Marso 23, 2026 ang dagdag na 300 na mga overseas Filipino workers (OFW) mula sa Gitnang Silangan.

Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW) na mayroong kabuuang 343 na mga repatriates na galing sa Saudi Arabia, Bahrain at Qatar.

Lulan ang mga ito ng ika-apat na chartered flight na inayos ng gobyerno at personal silang sinamahan ni Patricia Yvonne Caunan, ang administrator ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Mayroon ng 1,420 na gma OFW at kanilang mga dependents ang napauwi na ng gobyerno na naapektuhan ng kaguluhan sa Gitnang Silangan.

Sinabi naman ni DMW Secretary Hans Leo Cacdac na tuloy-tuloy ang ginagawa nila ng pagpapauwi sa mga OFW at kanilang mga dependents.

Ang pinakahuling batch na 343 OFW ay ligtas na nakatawid sa Riyadh sa pinagsamang tulong ng DMW, OWWA at Department of Foreign Affairs (DFA).