-- Advertisements --

Mariing itinanggi ng Palasyo ng Malakayang na dina-downplay ng pamahalaan ang kasalukuyang sitwasyon kaugnay ng pagtaas ng presyo ng langis. 

Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, malinaw na walang krisis sa suplay ng petrolyo sa bansa, bagkus ang nararanasan ay price disruption na dulot ng labanan sa Middle East.

Giit ni Castro, ginagawa ng pamahalaan ang lahat upang matiyak na hindi kukulangin ang suplay ng krudo, fuel, at pagkain. 

Sinabi ni Castro, nakaantabay ang mga ahensya ng pamahalaan gaya ng DOE, DA, at DSWD upang magbigay ng tulong at siguraduhin na hindi mararamdaman ng taumbayan ang kakulangan.

Dagdag pa ng Palace Official, kahit tumataas ang presyo, nais iparamdam ng Pangulo na kaya ng gobyerno na protektahan ang mamamayan. 

Gayunman, aminado si Castro na hindi maiiwasang maapektuhan ang Pilipinas sa krisis sa Middle East, kaya’t nananawagan siya ng pagtutulungan at pagtitipid kung kinakailangan.

Sa ngayon patuloy na nagpupursige ang DOE sa pangunguna ni Energy Secretary Sharon Garin na hindi makukulangan ng suplay sa langis ang bansa.

Ibinahagi ni Castro na mayruong negasasyon ngayon ang DOE para sa 440,000 barrels ng fuel at mayruon ding 600,000 barrels ng langis na maari nating maangkat.