Hiniling ng ilang mga bagitong NBA players na magkaroon sila ng insurance protections.

Paraan aniya ng mga ito bilang protection laban sa mga career-threatening injuries.

Nakipagpulong sina Los Angeles Lakers player Kyle Kuzma, Donovan Mitchell ng Utah Jazz, Boston Celtics Jayson Tatum at Miami Heat Bam Adebayo kay NBA Players Association executive director Michele Roberts at senior counsel Ron Klempner.

Ang nasabing mga manlalaro ay na-draft noong 2017 at sila ay eligible ng rookie extensions sa susunod na season.

Ayon sa lumabas na ulat na nagsasagawa muna ng negosasyon ang NBA at Players union sa nasabing usapin.