-- Advertisements --

Ibinunyag ni Cardinal Pablo Virgilio David na may ilang mga mambabatas ang lumapit sa kaniya at nagkumpisal na sangkot ang mga ito sa anomalya sa flood control projects.

Sinabi nito na humingi ang mga ito ng spiritual na gabay dahil sa kanilang nagawa.

Dagdag pa ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) president at Kalookan bishop na ang mga nasangkot na pulitiko ay labis ang pagsisisi.

May ilang pagkakataon na hindi sila pinapatahimik ng kanilang konsensya.

Hindi naman na nagbigay pa ng anumang pangalan ang Cardinal basta sinabi nitong galing sa Senado at House of Representatives ang mga lumapit sa kaniya.

Lahat aniya ng mga ito ay tila nagising na at nasasaktan na rin dahil sa kanilang ginawa.

Magugunitang makailang ulit na rin nanawagan si David sa gobyerno na paigtingin ang kampanya nito laban sa kurapsyon.