-- Advertisements --

Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang resolusyon na naglalagay sa anim na lugar sa bansa sa state of calamity matapos na daanan ng bagyong Odette.

Sa kaniyang “talk to the people” nitong Martes ng gabi sinabi ng pangulo na kaniyang inaprubahan ang resolusyon na isinumite ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) na ilagay sa state of calamity ang Regions 4B, 6, 7, 8, 10 at 13 (CARAGA Region).

Ang nasabing desisyon aniya ay para mapabilis ang rescue, relief at rehabilitation efforts ng mga government at private sectors.

Magugunitang personal na binisita ng pangulo ang mga lugar na sinalanta ng bagyo noong nakaraang mga araw.