-- Advertisements --
image 237

Nagpahayag ng suporta sa Pilipinas ang ilan pang mga bansa matapos ang insidente kaugnay sa pagtutok ng military-grade laser device ng Chinese Coast Guard sa Philippine Coast Guard sa kasagsagan ng rotation at resupply mission sa bisinidad ng Ayungin Shoal noong nakalipas na linggo.

Nag-isyu na rin ng hiwalay na statements ang Japan, Australia, Canada at Germany na sumusuporta sa Pilipinas.

Hinimok ng mga nasabing bansa ang China na sumunod sa international rules-based order at sa 2016 Hague ruling na nagpapawalang bisa sa claims ng Beijing kaugnay sa pinag-aagawang karagatan kabilang ang bahagi ng West Philippine Sea.

Inihayag ng Canadian government ang hindi natitinag na suporta nito para sa Pilipinas at hinimok ang China na sumunod sa international obligation nito bilang bahagi ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

Giit ng Canadian government na ang naging aksiyon ng Chian ay nakaambala sa lehitimong operasyon ng Philippine vessels at paglabag sa internatioan law at lumalabag sa pagpapanatili ng regional peace at stability.

Kapwa tinawag naman ng Germany at Australia ang naging hakbang ng China na “intimidatory action” laban sa Philippine Coast guard.

Una ng nagpaabot ng suporta ang matagal ng kaalyado ng Pilipinas na Estados Unidos at tinawag na provocative at unsafe ang naging aksiyon ng crew members ng Chinese Coast Guard at panghihimasok sa lawful operations ng Pilipinas sa loob at labas ng Second Thomas Shoal.