-- Advertisements --

CEBU – Kahit humina na ang pag-ulan sa Cebu, patuloy na hinihimok ng lokal na awtoridad ang publiko na manatiling mapagmatyag sa kanilang paligid at subaybayan ang lagay ng panahon.

Itoy matapos maraming lokalidad ang patuloy na nag-uulat ng pagguho ng lupa at pagkasira ng imprastraktura.

Gaya na lamang ng City of Talisay na nakaranas ng landslide sa Toledo Wharf Road at Kampo 4.

Sa eksklusibong panayam kay Joy Tummulak, head ng City of Talisay -Traffic Operations and Development Authority (CT-TODA), na bandang alas-5 ng umaga natanggap ang ulat dahilan upang agad nilang isara ang mga kalsada, at agad na sinimulan ng mga miyembro ng CT-TODA ang Clearing operation sa Landslide Area.

Sa kabilang banda, inamin rin ni Mary Jane Panares, ang public information officer ng bayan ng Barili, na nakapagtala ang lokal na pamahalaan ng Barili ng hindi bababa sa 137 pamilya, o 624 na indibidwal mula sa limang barangay na naapektuhan ng baha nang umapaw ang Dikeside River.

Kung saan ang pagtaas ng tubig ilog ay nagresulta din sa pagbaha sa mga kalapit na lugar, at pagkasira ng mga imprastraktura kalsad at ari-arian sa Barangay Bagakay, Dakit, Poblacion, Gunting, Malolos at Campangga.

Isang footbridge na nag-uugnay sa Barangay Sta. Ana at Poblacion ang nasira kung saan nasa P1 milyon ang pinsala.

Kinumpirma rin ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa Alegria na nagkaroon ng landslide sa maliit na bahagi ng barangay road sa Lower Kawasan, Brgy. Montpellier.

Sa parehong araw, nag-ulat din ang mga lokal na pamahalaan ng San Fernando, at Boljoon ng pagguho ng lupa sa kani-kanilang nasasakupan.

Batay sa inisyal na tally, umabot sa 392 pamilya mula sa mga bayan ng Barili, Minglanilla, Compostela, Carmen, Dumanjug, at mga lungsod ng Mandaue at Toledo ang naapektuhan ng pagbaha.

Ibinunyag ng PDRRMO na patuloy pa silang maglalabas ng mga opisyal na numero sa mga pinsalang natamo sa imprastraktura at agrikultura.