Pinatawan ng US ng sancitons ang ilang mga katao sa iba’t-ibang bansa dahil sa human rights abuse.
Kabilang sa mga dito ay mga opisyal ng Iran na inakusahan na target nila ang mga opisyal ng US.
Ang nasabing pagpataw ng sanctions ay kasunod ng nalalapit na Human Rights Day sa araw ng Linggo.
Ipinatupad ng US Treasury and State Departments ang sanctions at visa restrictions sa 37 katao mula sa 13 bansa.
Sinabi ni US Secretary of State Antony Blinken na katuwan nila sa nasbing hakbang ang Canada at Britanya.
Noong nakaraang taon ay umabot na sa 150 katao at entities mula sa ibat-ibang bansa ang napatawan na ng sanctions.
Kabilang sa sanctions ay ang pag-freeze ng kanilang US assets.
Nasa listahan ang dalawang Iranian intelligence officers na sina Majid Dastjani Farahani at Mohammad Mahdi Khanpour Ardestani,na nag-recruit ng mga tao para sa kanilang operasyon sa US.