-- Advertisements --

Inihayag ng celebrity lawyer na si Atty. Joji Alonso noong Huwebes ng gabi na nagsampa ng legal complaint ang P-pop girl group na BINI laban sa isang hindi pa pinapangalanang indibidwal.

Sa isang Instagram story, ibinahagi ni Atty. Alonso ang bahagi ng reklamo kung saan makikitang ang BINI ang complainant, ngunit hindi isinapubliko ang pagkakakilanlan ng inakusahang partido o maski ang detalye ng kaso.

Ang naturang kaso ay kasunod ng sunod-sunod na online harrassment na nararanasan ng grupo kamakailan, kabilang ang mga natatanggap na pambabatikos sa isang video kung saan nagbigay sila ng rating sa ilang street food sa Pilipinas.

Nadagdagan pa ang kontrobersya ng grupo matapos ang isang viral post ni Christian “Xian” Gaza na may malisyosong pahayag laban sa isan sa mga miyembro ng BINI.

Ang grupo, na binubuo nina Gwen, Aiah, Sheena, Mikha, Maloi, Jhoanna, Stacey, at Colet, ay kilala sa mga kantang “Pantropiko,” “Salamin Salamin,” at “Cherry on Top.”

Wala pang opisyal na pahayag ang BINI o ang kanilang management ukol sa harassment o isinampang reklamo.