Pinangunahan ni Philippine National Police (PNP) OIC Lt Gen. Archie Gamboa ang pagsira sa ilang iligal na paputok na na-recover sa kanilang inspeksyon sa lalawigan ng Bulacan.

Gumamit ang mga otoridad ng mga drum ng tubig para ilubog ang mga nasamsam na firecrackers.

Layunin nitong hindi na maikalat pa sa mga tindahan ang mga iligal na paputok at huwag na ring makapinsala sa mga mamamayan.

Kabilang sa mga nakumpiska ay watusi, piccolo, super lolo at atomic triangle.

Giit ni Gamboa, malinaw ang nakasaad sa Republic Act 7138 na nagbabawal sa paggamit, pagbebenta at paggawa ng mga paputok na mapanganib at mapaminsala.

Ang mga mahuhulihan ng ganitong produkto ay maaaring sampahan ng reklamo, maliban pa sa pagpapasara ng kanilang mga tindahan.