-- Advertisements --
Aminado ang mataas health official ng Amerika na nabibigo ang kanilang gobyerno na labanan ang pagdami ng kaso ng COVID-19.
Kasunod ito sa pagtaas ng kaso ng nakakahawang Delta variant ng COVID-19.
Sinabi ni Francis Collins ang director ng National Institute of Health na malayo pa sila sa paglaban ng nasabing variant at tila sila ay bumabagsak.
Kung naging epektibo sana sila sa paghihikayat sa mga tao na magpabakuna ay hindi na magiging mababa ang kaso ng Delta variant sa kanilang bansa.
Nauna ng sinabi ni infectious diseases expert Anthony Fauci na kapag hindi makontrol ng gobyerno ang Delta variant ay tiyak na marami pang mga ibang variant ang lalabas.
















