Hinatulan ng anim hanggang 10 taong pagkakabilanggo ng Sandiganbayan 6th Division ang ilang dating opisyal ng Bureau of Immigration (BI) dahil sa kasong plunder at graft.
Kabilang sa mga makukulong sina dating BI Deputy Commissioners Al Argosino at Michael Robles, pati na ang retired Sr. Supt. Wally Sombero.
Ang hatol na reclusion perpetua ay nag-ugat sa P50-million extortion umano ng mga ito sa gambling tycoon na si Jack Lam.
Sa pagdinig ng Senado, lumitaw noon na bahagi ng modus ng ilang dating opisyal at tauhan ng BI ang paghuli sa mga dayuhang kulang sa dokumento at ipinatutubos sa gambling handler ng mga ito.
Sa desisyon ng anti-graft court, ang perang isinuko umano ng mga sangkot sa kaso ay kokolektahin at mapupunta sa estado.
“The ill-gotten wealth accumulated, amassed, or acquired by the accused, now under the custody of the concerned government agencies is hereby forfeited in favor of the State,” saad ng Sandiganbayan ruling.