KALIBO, Aklan – Nagdulot ng pagbaha sa ilang bayan sa Aklan ang matinding pagbuhos ng ulan sa magdamag.

Batay sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Kalibo, binaha ng hanggang tuhod ang mga bayan ng Tangalan, Ibajay, Lezo at Malinao, kung saan pumasok pa ang tubig sa mga kabahayan.

Kaugnay nito, kinailangan pang ilikas ang ataul na pinaglalamayan sa Barangay Poblacion, Tangalan, sa gitna ng tumataas na tubig-baha.

Sa kasalukuyan, pabugso-bugso ang pagbuhos ng ulan sa buong lalawigan dulot ng low pressure area.

Samantala, nananatiling nakaantabay ang mga kawani ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office ng mga nabanggit na bayan upang mapabilis ang paglikas sa mga residente lalo na sa mga low lying areas sakaling hindi pa rin huhupa ang tubig-baha.

-- Advertisement --