-- Advertisements --

yarra

Kinumpirma ni Quezon City Police director Gen. Antonio Yarra na 51 sa 82 pulis na nagpositibo sa COVID-19 ay naka-duty noong Lunes sa State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Rodrigo Duterte at ilan dito a fully vaccinated na.

Ayon kay Yarra, 161 na mga tauhan ng QCPD Station 3 ang isinalang sa RT/PCR Test noong July 23 at lumabas ang resulta ng kanilang swab test kahapon at ang iba ngayong araw kung saan 82 sa mga ito ang nagpositibo sa COVID-19 virus.

Dagdag pa ni Yarra namahala sa route security sa kahabaan ng Commonwealth Avenue at Civil Disturbance Management Team sa UP Techno Hub noong sa huling SONA ng pangulo ang 51 tauhan ng QCPD Station 3 na nagpositibo sa COVID-19 virus.

Sinabi ng Heneral na 82 ang kabuuang nagpositibo sa 161 na tauhan ng Station 3 Talipapa station na isinailalim sa swab test.

Binigyang diin din ni Yarra na sa ngayon 90 percent na sa kanilang personnel ang fully vaccinated kaya sila ang diniploy sa SONA at 100 percent ang mga nasabing pulis at wala sa kanila ang nagpapakita ng sintomas ng covid-19 virus.

Naka quarantine na sa ngayon ang 82 pulis sa Hope Facility ng Quezon City.

Hindi pa masabi ng QCPD kung Delta variant ang tumama sa mga nagpositibong pulis.
Nagsasagawa na rin ng contact tracing ang QCPD sa mga nakasalamuha ng mga nasabing pulis.

Pansamantala namang papalitan sa pwesto ang mga pulis na nagpositibo upang hindi maapektuhan ang trabaho sa Station 3.

Mga tauhan mula sa District Mobile Force Battalion ang mag-augment sa mga tauhan ng Station 3.

Pinayuhan naman ni Yarra ang publiko na wag na munang magtungo sa station 3 Talipapa station.

Isinailalim na rin sa disinfection ang buong Station 3 headquarters.