-- Advertisements --

Pumirma na ng kontrata sina world heavyweight champion Tyson Fury at Deontay Wilder para sa ikatlong paghaharap nila.

Ayon sa Top Rank na gaganapin ang laban ng dalawa sa darating na Hulyo 24 sa Las Vegas.

Magugunitang nauwi sa draw ang unang paghaharap ng dalawa noong Disyembre 2018.

Habang pinatumba naman ni Fury sa loob ng pitong round si Wilder noong Pebrero 2020 sa Las Vegas para makuha ang WBC champion belt.

Magugunitang hindi na itinuloy ang nakatakda sanang laban ni Fury kay Anthony Joshua para sa WBA, WBO at IBF title sa Saudi Arabia sa Agosto 14.