Walang ihaharap na testigo sa ikaanim na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte ngayong Miyerkules, Hulyo 15.
Ito ay matapos hilingin ng House prosecution panel sa Senate impeachment court kahapon na isantabi na ang mga testimoniya nina Office of the Vice President (OVP) chief of staff Zuleika Lopez at House of Representatives security official Capt. Belinda Bello para sa kasong grave threats laban kay VP Sara sa ilalim ng Article IV ng Articles of Impeachment.
Sa halip, nakatakdang dinggin ang oral arguments hinggil sa pag-iisyu ng mga subpoena sa bank records, Anti-Money Laundering Council records at Bureau of Internal Revenue records ng bise presidente at kaniyang asawang si Atty. Manases Carpio.
Nauna nang sinimulan ang pagtalakay sa naturang artikulo noong Hulyo 6, na inaasahang magtatagal ng labing-isang araw, batay sa prosekusyon.















