-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Umaapela ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na bigyan ng pangalawang pagkakataon ang Philippine Military Academy (PMA) upang gawin ang kanilang mandato.

Ito’y matapos masangkot ang ahensya sa kontrobersiya kasunod ng pagkamatay ni Cadet 4th class Darwin Dormitorio dahil umano sa maltreatmet at ang paglabas ng mga video na nagpapakita na talamak ang hazing sa akademya.

Ayon kay Maj. Ricky Anthony Aguilar, chief ng Division of Public Affairs Office (DPAO) sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, inaayos na ang gusot sa loob ng akademya kaya walang rason upang ihinto ang PMA cadet recruitment.

Patunay aniya nito ang pagsibak sa ilang opisyal at pagtatalaga ng mas mapagkakatiwalaan na PMA officers.

Dagdag nito na malaking epekto kung ihihinto ang recruitment o isang training cycle dahil ang PMA ang main source ng mga opisyal ng government force.

Sinabi pa ni Aguilar na may isinasagawa na ring psychological interventions sa mga kadete upang mawala ang pagiging agresibo ng mga ito at nagsasagawa pa ng “up” na neuro psychiatric test upang makita ang pag-uugali ng isang kadete.

Kaugnay nito, nanawagan ng opisyal sa mga magulang na suportahan pa rin ang kanilang mga anak na ipagpatuloy ang pangarap na maging sundalo.
Top