Kinumpirma ni PNP Chief police Director General Ronald dela Rosa na tukoy na nila ang pagkakakilanlan ng indibidwal na nakipag-ugnayan sa biyuda ni Jee Ick Joo patungkol sa ransom ng asawa nito.

Nasa P5 milyong ransom ang ibinayad ng pamilya ng negosyanteng Koreano.

Pero tumanggi si Dela Rosa na idetalye pa ito dahil ongoing sa ngayon ang imbestigasyon.

Giit ng heneral na hihintayin na lamang ang resulta ng ginagawang imbestigasyon

Dagdag pa ni Bato na hindi pa rin naman matukoy ng PNP kung may nagsilbing spotter o nagturo kay Jee Ick Joo para biktimahin ng mga pulis.

Una ng sinabi ng PNP Anti-Kidnapping Group (AKG) na kasama sa kanilang imbestigasyon kung sino ang nasa likod ng paghingi ng ransom at kung saan ito napunta.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here