Nilinaw ni Commission for Infrastructure (ICI) Executive Director Atty. Brian Hosaka na wala pang natatanggap ang komisyon na impormasyong bubuwagin na ito sa Pebrero, 2026.
Ito ay taliwas sa pahayag ni Senator Imee Marcos na nakatanggap siya ng impormasyon mula sa hindi na pinangalanang source na bubuwagin na ang komisyon sa susunod na buwan.
Giit ni Hosaka, wala pang natatanggap ang komisyon na anumang abisyo mula sa Malacañang kaugnay sa posibleng pagkakabuwag.
Kung babalikan nitong buwan ng Disyembre 2025, naging epektibo ang resignation ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Rogelioi Singson bilang commissioner ng ICI.
Sinundan ito ng pagbibitiw ni Commissioner Rossana Fajardo na naging epektibo nitong Disyembre-31.
Sa ngayon, tanging si Chairman Andres Reyes na lang ang natitirang miyembro ng komisyon, kasama ang Special Investigator na si dating Philippine National Police chief, Gen. Rodulfo Azurin Jr. (report by Bombo Jai)
















