Hindi magdadalawang isip ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) na imbitahan si First Lady Liza Araneta-Marcos kapag mayroong sapat na basehan.
Kasunod ito sa naging pahayag ng siang John Snatander na nagsumite ng sulat na dapat imbestigahan ng ICI ang unang ginang dahil sa koneksyon nito sa negosyanteng si Maynard Ngu na sangkot din sa flood control anomaly.
Ayon kay ICI executive director, Brian Keith Hosaka, na gagawin lamang nila ito kung mayroong matibay na basehan sila ukol sa usapin.
Kailangan muna nilang suriin mabuti ang sumbong bago nila isagawa ang imbitasyon.
Sa ngayon ay maaga pang sabihin o kumpirmahin na imbitahin si Marcos dahil kailangan ng pag-aralang mabuti ang ‘letter of sentiment’ mula kay Santander.
Nakasaad din sa sulat ang mga larawan ng unang Ginang at si Ngu.
Si Ngu ay una ng nadawit na naging bagman kay Senator Chiz Escudero sa parehas din na usapin.