Sa unang Status Conference ng kaso ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC), tinalakay ang paggamit ng wikang Ingles at Filipino bilang isa sa pangunahing mga lenggwaheng ginagamit sa Pilipinas.
Ayon sa prosecution panel, mahalagang mas maintindihan ng mga Pilipino ang buong proseso ng paglilitis, lalo’t masusing binabantayan ng publiko ang mga kaganapan sa kaso.
Kaugnay nito, pabor ang ICC na maglaan ng interpreter para sa mga testigo laban kay Duterte upang maisalin sa kanilang wika ang mga diskusyong nagaganap sa loob ng trial.
Sinabi naman ng kampo ni Duterte na hindi na nangangailangan ng interpreter ang kanilang kliyente.
Samantala, sa Nobyembre ang schedule ng ICC Trial Chamber III ayon kay Presiding Judge Joanna Korner sa kasong crimes against humanity na kinakaharap ni Duterte.
Susuriin pa rin ang resulta ng panibagong assessment ng tatlong accredited experts ng ICC hinggil sa kalusugan ng dating pangulo para sa ilang konsiderasyon.
















