-- Advertisements --

Itinigal na ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang plano nilang pagputol ng mga malalaking punong-kahoy sa kahabaan ng Quirino Avenue sa Lungsod ng Maynila.

Ayon kay Environment Secretary Juan Miguel Cuna na boluntaryo nilang itinigil ang nasabing hakbang at magsasagawa muna sila ng mga pag-aaral.

Dagdag pa nito na pag-aaralan muna nilang mabuti ang hakbang at baka magkaroon pa sila ng pag-hugot sa mga puno at para mailipat ito sa ibang mga lugar.

Sa kasalukuyan aniya ay mayroon ng 38 na mga puno ang binunot na at inilipat sa ibang mga lugar.

Magugunitang umani ng batikos mula sa iba’t-ibang environmental groups ang pagpuputol ng mga puno sa Quirino Avenue sa Maynila para bigyang daan ang pagtatayo ng Southern Access Link Expressway (SALEX) na siyang magkokonekta sa Skyway at Roxas Boulevard.

Giit ng DENR Secretary na ang pagpuputol ng mga puno ay siyang huling opsyon kung isinasagawa lamang ito kapag natapos na ang assesements at pag-aaral ng nasabing proyekto.