-- Advertisements --

Hawak na ng Oklahoma City Thunder ang 3-2 advantage kontra San Antonio Spurs matapos nitong dominahin ang Game 5, 127-114.

Mula sa simula ay kontrolado na ng Thunder ang laban at naitala ang 11-point lead sa halftime, 69-58. Tinangka ng Spurs na makabawi sa ikatlong kwarter ngunit isang puntos lamang ang kanilang nabura.

Sa huli, nanaig ang matibay na opensa ng Thunder at nagtala ng 13-point win upang makuha ang 3-2 series lead.

Muling nanguna si Shai Gilgeous-Alexander na may 32 puntos, 9 assists, at 2 steals, habang nag-ambag si Chet Holmgren ng 16 puntos, 11 rebounds, at tig-isang steal at block.

Tulad ng mga nakaraang laro, malaking bahagi ng puntos ni Shai ay mula sa free throws matapos niyang makapagtala ng 16-of-17.

Samantala, nalimitahan lamang ang Spurs bigman na si Victor Wembanyama sa 20 puntos, 3 steals, at 2 blocks.

Babalik sa San Antonio ang Game 6 na magiging do-or-die para sa parehong koponan.