-- Advertisements --
Tuluyan nang naging Tropical Storm Jangmi ang binabantayang bagyo sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ayon sa pinakahuling ulat, namataan ang sentro ng bagyo sa layong 1,295 kilometro silangan ng hilagang-silangang Mindanao.
Taglay nito ang lakas ng hanging umaabot sa 65 kilometro kada oras malapit sa sentro at pagbugso na hanggang 80 kilometro kada oras, habang kumikilos sa direksyong hilagang-kanlurang kanluran sa bilis na 10 kilometro kada oras.
Bagama’t wala pa itong direktang epekto sa bansa, binigyang-diin ng mga eksperto na patuloy na binabantayan ang galaw ng bagyo dahil sa posibilidad na pumasok ito sa PAR sa mga susunod na araw.
Kapag pumasok, inaasahang tatawagin itong Bagyong Domeng sa lokal na pagtukoy.















