-- Advertisements --
Patuloy ang paglapit ng isang tropical depression sa Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ang sentro nito ay namataan sa layong 1,230 kilometro silangan ng hilagang-silangang Mindanao.
Taglay nito ang lakas ng hanging umaabot sa 55 kilometro kada oras malapit sa sentro at pagbugso na hanggang 70 kilometro kada oras.
Kumikilos ito sa direksyong kanlurang-hilagang kanluran sa bilis na 10 kilometro kada oras.
Bagama’t wala pa itong direktang epekto sa bansa, patuloy na binabantayan ng mga awtoridad ang galaw ng naturang weather system.
Posible itong pumasok sa PAR sa mga susunod na araw at makaapekto sa lagay ng panahon sa ilang bahagi ng Mindanao at Visayas.
















