Nag-leave muna sa tungkulin si International Criminal Court (ICC) Prosecutor Karim Khan habang isinasagawa ang imbestigasyon sa mga alegasyon ng misconduct laban sa kanya.
Ayon sa opisyal na pahayag ng ICC, pansamantalang pamumunuan ng Deputy Prosecutors na sina Nazhat Shameem Khan at Mame Mandiaye Niang ang Office of the Prosecutor upang matiyak ang tuloy-tuloy na operasyon.
Inanunsyo ng governing body ng ICC ang external investigation kaugnay ng reklamo laban kay Khan, na mariin namang itinanggi ng opisyal.
Mababatid na si Khan ay naging tampok sa balita noong nakaraang taon matapos humiling ng arrest warrants laban kina Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu, dating Defense Minister Yoav Gallant, at tatlong matataas na lider ng Hamas.
Siya rin ang namumuno sa imbestigasyon ng ICC sa umano’y crimes against humanity na isinampa laban kay dating Philippine President Rodrigo Duterte, na kasalukuyang nakakulong.