-- Advertisements --

CEBU – Hustisya ang hiling ngayon ng biktimang chinop-chop at tinapon pa sa may sapa sa lungsod ng Cebu sa mga nakaraang taon matapos maisampa na ang kaso laban sa suspek sanakalipas na Pebrero sa City Prosecutor’s Office.

Sa tulong ng DNA testing ug dental records, kinilala ang biktima na Angelie Lopez Kintana. Ito rin ang kinumpirma sa kapatid ng biktima na si Analou Lopez nang humarap ito sa mga media.

Ayun pa dito na nagsampa rin ng countercharges ang suspek laban sa kaniya, subalit hindi pa nito natatanggap ang kopya ng mga sinampang kaso.

Dagdag pa ni Analou na may nakitang findings ang City Prosecutor sa nakalipas na Pebrero, subalit wala pa itong natatanggap ng development sa preliminary hearing.

Buwan sa disyembre sa nakaraang taon nang nag-report si Analou sa Subangdaku Police Station sa Mandaue City patungkol sa nawawalang kapatid.

Ini-refer sila sa Talamban Police Station sa Cebu City sa paniniwalang kapatid nito ang nadiskubre patag na katawan ng babaeng biktima ng chop-chop.

Buwan ng Enero ng makumpirma nga kapatid ni Anolou ang biktima sa pamamagitan ng DNA testing at Dental Records.

Natagpuan ang parte ng katawan ni Angelie sa loob ng isang Garbage Bag sa Sitio Kalubihan, Brgy Talamban Cebu City noong buwan ng Oktubre sa nakalipas na taon, anim na araw matapos na huling maka-usap nito ang pamilya.

Pangako pa ng hepe na Police Regional Office (PRO-7) ang agarang pagsampa ng kaso laban sa suspek at ang agarang pagtakbo ng kaso sa karumal-dumal na pagpatay kay Angelie.