-- Advertisements --
Opisyal ng nag-landfall ang hurricane Ian.
Ayon sa National Hurricane Center sa Amerika naganap ang pag-landfall dakong alas-3:05 a.m. (oras sa Pilipinas) malapit sa Cayo Costa.
Nasa Category 4 hurricane ito na may lakas na hangin ng 150 mph.
Nagdulot naman ng malawakang pagbaha sa ilang bahagi ng Florida ang bagyo.
Habang nawalan din ng suplay ng kuryente sa malaking bahagi ng estado ng Florida.
Inaasahan na mananatili ang lakas nito hanggang 24 oras habang papatawid sa Florida.