-- Advertisements --

taxpanel

Sinimulan na ng House Committee on Ways and Means ang pagdinig kaugnay sa smuggling ng mga basic commodities at tobacco.

Ang nasabing pagdinig ay bunsod sa inihaing House Resolution No. 311 ni Sultan Kudarat Representative Horacio Suansing Jr.,na naglalayon na makahanap ng solusyon para matigil ang talamak na agri-smuggling sa ating bansa.

Una ng inihayag ni House ways and Chair Joey Salceda na hindi nito nagustuhan ang mga ulat kaugnay sa talamak na smuggling activities lalo na sa Subic port.

Sinabi ni Salceda mataas pa rin ang presyo ng mga agricultural products sa kabila ng pagtaas ng supply na sanhi ng smuggling.

Binigyang-diin ni Suansing na ang iligal na importasyon na naging talamak nuong kasagsagan ng pandemya ay talagang nakaka-apekto sa hanap buhay ng mga local farmers.

Ipinunto naman ni Nueva Ecija Representative Mikaela Angela Suansing na dapat managot ang mga nasa likod ng large scale smuggling sa bansa.

Dahil sa nasabing aktibidad, bilyon-bilyong halaga na revenue ang nawawala sa gobyerno.

Pinangalanan naman ni Rep. Horacio Suansing ang 10 indibidwal na sangkot sa large scale smuggling.

Hiling naman ng mambabatas sa house panel na isubpoena ang mga brokers, importers at facilitators na nasa likog ng agricultural smuggling sa bansa.