Pinagtibay ng Kamara ang House Resolution No.1414 o ang Upholding the Integrity and Honor of the House of Representatives and Expressing Appreciation, Solidarity and Support to the Leadership of Speaker Martin Romualdez matapos mag convene ang House Committee of the Whole.
Sa nasabing resolusyon, bibigyang-diin ang kahalagahan na mapanatili ang dignity, integrity at reputasyon ng House of Representatives.
Nagpahayag naman ng suporta ang mga miyembro ng Kamara at maging ang ibat ibang political party sa House of Representatives sa liderato ni Speaker Romualdez.
Bago pa tuluyang pinagtibay ang resolusyon, kinuwestiyon ni Independent Minority leader at Albay Representative Edcel Lagman ang pag convene ng Committee of the whole sa mismong plenaryo ng Kamara.
Nais ni Lagman na pangalanan kung sino ang nagbabanta sa integridad ng Kamara.
Dito humantong ang pag resign ni Senior Deputy Speaker at Pampanga Rep. Aurelio Gonzalez sa kaniyang partido ang PDP Laban.
Si Gonzalez kasi ang nagbanggit na ang dating Pangulo ng bansa ang nagbabanta sa integridad ng Kamara.