-- Advertisements --

Kinailangan pa ng Magnolia Hotshots Timplados ng overtime para talunin ang San Miguel Beermen 98-95.

Mayroon ng tatlong panalo at wala pang talo ang Magnolia at hawak nila ang unang puwesto ng PBA Philippine Cup sa laro na ginanap sa Aranete Coliseum.

Nanguna sa panalo ng Hotshots si Zavier Lucero na nagtal ang 24 points habang mayroong 21 points si Jerom Lastimosa.

Hawak pa ng Beermen ang kalamangan sa third quarter 58-44 hanggang mahabol ito ng Magnolia at nakakalamang sila 86-85 sa natitirang 44 segundo ng last quarter.

Nasayang naman ang nagawang tig-17 points nina June Mar Fajardo at Juami Tiongson para sa Beermen.