Naitala muli ng Department of Health (DOH) ang kakulangan ng mga hospital bed sa National Capital Region (NCR).
Ayon sa datus ng DOH, na noong Hunyo 2 ay walo sa 15 pagamutan sa NCR ay nasa critical status dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Ang nasabing bilang aniya ay mas mataas noong Mayo 19 na mayroon lamang limang pagamutan ang nagtala ng 100 percent occupancy at 12 ang nasa kritikal na kalagayan.
Mayroong 598 sa 1,224 na kabuuang intensive care unit (ICU) beds na para sa mga COVID-19 sa Metro Manila hospitals ang nagagamit na.
Paglilinaw naman ng DOH na nasa “safe zone” pa rin ang bed occupancy sa buong NCR dahil ito ay nasa 40.8 precent o katumbas ng 3,917 sa 9,607 beds na ginagamit.
Mas mababa pa ito noong nakaraang linggo na mayroong 42.5 percent.