-- Advertisements --

Tiwala pa rin ang maraming negosyante sa bansa na makakabenta sila ng marami ngayong kapaskuhan.

Ito ay kahit na nahaharap sa hamon ang bansa mula sa mga magkakabilaang alegasyon ng kurapsyon.

Ayon kay Philippine Retailers Association (PRA) chairman Roberto Claudio, na tradisyunal na sa bansa ang pagdami ng mga mamimili sa iba’t-ibang establishimento.

Kabilang sa pagdagdag ng mga padala mula sa Overseas Filipino workers (OFW).

Dahil dito ay pinaghahanda nila ang mga negosyante na paghandaan ang pagdami ng mga mamimili maging physical store man o online stores.