-- Advertisements --

Tiniyak ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na isinasailalim na sa masusing pagrepaso ang kontrobersyal na K to 12 school system.

Ginawa ng presidente ang pahayag kasabay ng kanyang unang State of the National Address (SONA).

Ayon sa chief executive lahat daw ng mga kakailanganing mga inputs at points of view ay kanilang kinokonsidera.

Kung maalala una na ring inungkat ito ni DepEd secretary at Vice President Sara Duterte ang nasabing usapin.

Sa kabilang dako binigyang diin ni Marcos na dapat na ring matigil ang mga “horror’ stories sa mga eskwelahan na may kaugnayan sa mahinang klase ng mga education materials at mga supplies.

“As for the ‘horror’ stories that we have heard about the poor quality of educational materials and supplies that are being given to our schools — this must end!” ani Marcos Jr. “Ang edukasyon ay ang tangi nating pamana sa ating mga anak na hindi nawawaldas. Kaya anumang gastusin sa kanilang pag-aaral ay hindi tayo magtitipid, hindi rin tayo magtatapon.”

Sa kabila nito, ipinaalala ng presidente na dapat na bumandera sa international rankings ang mga Filipino students lalo na sa Science, Technology, Engineering, at Mathematics subjects.

Sa kabilang dako pinag-iisipan na rin daw ng pamahalaan na magkaroon ng mga programa para sa refresher courses at re-trainings ng mga teachers sa gitna na rin ng mabilis na pagsulong ng teknolohiya sa panahon post-pandemic.