-- Advertisements --
Nagpasya ang management ng Hong Kong Disneyland na isara muli nila ang kanilang operasyon.
Kasunod ito ng 52 bagong kaso ng coronavirus na naitala sa lungsod.
Ayon sa Disneyland spokeperson, bilang requirement ng gobyerno at health authorities at para hindi na kumalat pa ang virus ay minabuti nilang tumigil ng operasyon.
Magiging bukas naman ang hotels at Hong Kong Disneyland resort pero may mga pagbabagong ipapatupad.
Magugunitang noong Hunyo 18 ay binuksan na muli ang nasabing theme park kasabay ng pagbubukas ng ilang mga Disney Park sa iba’t-ibang panig ng mundo.