-- Advertisements --

Pinangunahan ng Bagong Bayani Hong Kong Sandigan Eagles Club at Lady Eagles Club sa ilalim ng The Fraternal Order of Eagles-Philippine Eagles Incorporated, sa pakikibahagi ng Alpha Phi Omega-Hong Kong Alumni Association noong Abril 26, 2026 ang isang Medical Mission sa pamamagitan ng pagbibigay ng Libreng uric acid test, Libreng blood glucose test, at Libreng blood pressure test sa mga nagsisimba at mga naglilingkod sa simbahan, lalo na sa mga kapwa OFW sa Hong Kong, sa Saint Joseph Church-Garden Road, Central, Hong Kong.

Ito ay inorganisa nina Eagle Marlon Pantat De Guzman at Lady Eagle Angilyn Movilla, APO Maricel Sinay mula sa Gamma Eta Chapter, APO Rene R. Tolentino mula sa Theta Chapter, at iba pang miyembro ng APO-Hong Kong.

Ang medical mission na ito ay labis na ikinatuwa ng ating mga OFW sa Hong Kong dahil malaking tulong ito sa kanila upang masubaybayan ang kanilang kalusugan habang sila ay abala sa kani-kanilang mga trabaho.

Ang Kura Paroko ng Simbahang San Joseph Church ay lubos na nagpapasalamat sa misyong ito na isinasagawa ng mga lehitimong organisasyon sa Hong Kong na mananampalataya ng Simbahang Katoliko at ng mga OFW sa pangkalahatan sa Hong Kong.

Pagkatapos ng misa, ang Simbahan ay nag-aalay ng misa para sa kanila bilang tanda ng pasasalamat para sa nasabing misyong medikal.