-- Advertisements --
Nakatakdang bumalik sa bansa ang boyband na Westlife.
Ang kanilang konsiyerto ay kasabay ng kanilang ika-25 taon na gaganapin sa Enero 20, 2027.
Bahagi ang Pilipinas sa ‘Westlife 25: The Anniversary World Tour” kung saan bukod sa Pilipinas ay kasama ang Singapore, Jakarta sa Indonesia, Kuala Lumpur sa Malaysia, Bangkok sa Thailand at Hong Kong.
Magugunitang pinasikat ng grupo ang mga kantang, “Swear It Again”, “My Love” , “Uptown Girl” at maraming iba pa.
















