Handa umano si boxing legend Evander Holyfield na tulungan si MMA superstar Conor McGregor na maghanda sakaling matuloy ang nilulutong bakbakan nila ni Pinoy ring icon Sen. Manny Pacquiao.

Ayon kay Holyfield, hindi raw ito tatayo bilang coach ni McGregor at sa halip ay magbibigay lamang daw ito ng mga payo sa Irish fighter.

“If I was asked then I would go out to him and say to him, ‘You know what, do this thing,'” wika ni Holyfield sa isang panayam.

“The thing is that I’m not a ‘coach’. I can give him good advice, but I’d have someone else hold the hand pads – I don’t know how to hold hand pads! – I came up hitting hands pads.”

Gayunman, inamin ni Holyfield na liyamado si Pacquiao sapagkat buong buhay na raw nitong ginagawa ang pagbo-boxing.

“It makes it even more difficult because, as I said, Pacquiao has been doing it all his life and his hand routine is perfect,” anang boxing legend.

Pero hindi naman daw ibig sabihin nito na wala nang tsansa si McGregor na masilat ang Fighting Senator.

“Well, (McGregor’s) got longer arms. So he has reach advantage.

“So he has to keep Pacquiao to the side and throw the punches straight, which is going to be difficult. You’re talking about fighting somebody who has been doing boxing their whole life,” giit nito.

Kung maaalala, naghari si Holyfield bilang undisputed champion sa cruiserweight noong dekada 80, at sa heavyweight noong dekada 90.

Nananatili rin ito bilang tanging boksingero sa kasaysayan na itinanghal bilang undisputed champion sa dalawang weight division.