Pumanaw na ang Hollywood legend na si Robert Redford sa edad na 89.
Kinumpirma ng kaniyang publicist na si Cindi Berger na namayapa ang actor sa bahay nito sa Sundance sa Utah.
Hindi naman na binanggit pa nito sanhi ng kamatayan ng actor.
Naiwan nito ang asawang si Sibylle Szaggars kung saan ikinasal sila noong 2009.
Unang ikinasal ang actor kay Lola Van Wagenen at mayroon silang apat na anak bago naghiwalay noong 1985.
Ang anak nilang si James na filmmaker at environmental activist ay pumanaw ng cancer noong 2020 sa edad na 58.
Habang ang isa nilang anak nais Scott ay namatay sa edad na dalawang buwan pa lamang dahil sa infant death syndrome.
Mayroon na lamang siyang dalawang anak na babae na nabubuhay na sina Shauna na isang artist at Amy na isang director.
Taong 2016 ng gawaran siya ng Presidential Medal of Freedom noon ni US President Barack Obama.
Ilan sa mga pelikulang pinagbidahan niya ay ang ” All The President’s Men” kasama si Dustin Hoffman noong 1976.
Kasama naman niya ang actress na si Meryl Streep sa pelikulang”Out of Africa” noong 1985 na nagwagi ng pitong Academy Awards kasama ang Best Picture at Best Director.
Nagpaabot naman ng mga pakikiramay ang iba’t-ibang mga Hollywood celebrities matapos na mabalitaan ang pagpanaw ng actor.
Maging si US President Donald Trump ay kinilala ang taglay na galing ng actor kung saan pinuri niya ang galing nito.
Bilang respeto aniya ay buburahin na ng kampo ng actor ang kaniyang Instagram account.