-- Advertisements --
Nakapag-bulsa ng gintong medalya sa men’s decathlon si Hokett Delos Santos sa nagpapatuloy na 33rd Southeast Asian Games sa Thailand.
Mayroon itong kabuuang 6,917 points na sinundan siya ni Singkhon Suttisak ng Thailand habang nasa pangatlong puwesto si Richsan Idan Fauzan ng Indonesia.
Ito na ang pang-11 gintong medalya ng Pilipinas sa SEA Games.
Si Delos Santos ay nagwagi ng silver medal sa pole vault noong 2022 SEA Games.















