Muli na namang nakasabat ang Bureau of Customs (BoC)-Port of Batangas ng mga misdeclared na sigarilyong nagkakahalaga ng P64.4 million.
Ang naturang mga sigarilyo ay galing sa Guangdong province sa China.
Nakasilid ang 1,632 na master boxes ng sigarilyo sa 2×40 container na idineklarang contain plastic cabinets.
Pero nang isagawa ang physical examination dito na tumambad ang Mighty at Marvel cigarettes.
Agad namang inirekomenda ni Acting District Collector Rhea M. Gregorio na mag-isyu ng Warrant of Seizure and Detention para sa buong shipment dahil sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act.
Ang pinakahuling pagkarekober ng mga sigarilyo ay bahagi pa rin ng pinaigting na kampanya ng BoC sa smuggling sa pamamagitan ng dirktiba ni Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero.