VIGAN CITY – Aabot sa P4.41-milyon ang ibinigay ng pamahalaan at ng Magsaysay Maritime Corporation sa 441 crew members ng MV Diamond Princess cruise ship na nakakumpleto sa 14-days quarantine kaugnay sa coronavirus disease 2019.

Ito ang kinumpirma ni OWWA Administrator Hans Leo Cacdac sa mensaheng ipinadala nito sa Bombo Radyo Vigan.

Bukod umano sa tig- P10,000 na cash assistance sa bawat crew member na naibigay sa mismong send-off ceremony na naisagawa sa New Clark City, Capas, Tarlac ay nabigyan din ang mga ito ng transportation assistance pauwi sa kani-kanilang mga lugar.

Maalalang ang mga nasabing Pinoy crew members ay sakay ng nasabing cruise ship na naapektuhan ng COVID-19 at nauna nang na-quarantine sa pantalan ng Yokohama, Japan sa loob ng 14 na araw.