-- Advertisements --
ASTURIAS, CEBU- Umabot sa P4.6 milyong halaga ng marijuana plants ang binunot ng Philippine National Police at Philippine Drug Enforcement Agency(PDEA-7) sa ginawang operasyon laban sa iligal na droga sa Brgy. Kaluangan, lungsod ng Asturias sa Cebu.
Tinutugis na ng mga otoridad ang suspek na si Eduardo Camuangay matapos nagawa nitong tumakas.
Binunot at sinunog ng mga operatiba ang higit-kumulang 11,600 fully grown marijuana plants na tinatayang nagkakahalaga ng aabot sa P4,640,000.
Inihahanda na ang kasong paglabag sa Sec.16, Article II ng Republic Act 9165 laban sa suspek.
Patuloy na hinihikayat ng otoridad ang publiko na agad na magsumbong kung may mapapansin na kaduda-duda sa kani-kanilang lugar, kabilang na sa kalakaran ng illegal droga.