-- Advertisements --

Pumalo na sa P17,227,950.61 halaga ng tulong ang naibigay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Health (DOH) at mga lokal na pamahalaan, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council nitong umaga.

Sa kanilang situational report, sinabi ng NDRRMC na sa kanilang pinakahuling ta ay 22,472 pamilya o 96,061 indibidwal mula sa probinsya ng Batangas, Laguna at Cavite ang apektado nang aktibidad ng Taal Volcano.

Sa naturang bilang, 16,174 o 70,413 indibidwal ang pansamantalang nanunuluyan sa 300 evacuation centers.

Nakataas pa rin ang Alert Level 4 sa Taal Volcano, ayon sa PHIVOLCS.

Samantala, aabot naman sa 681 volcanic earthquakes ang naitatala ng Philippine Seismic Network mula noong ala-1:00 ng hapon noong Enero 12 hanggang kahapon Enero 19.

Sa naturang bilang, 175 ang may magnitude na aabot ng 1.2 hanggang 4.1 at naramdaman sa Intensities I hanggang V.