Sa kabila ng isang linggo na matapos na manalasa ang severe tropical storm “Paeng” sa bansa nasa mahigit isang milyon pa rin nating mga kababayan ang hindi pa nakababalik sa kanilang mga tahanan.
Ang mga ito ay nakadepende pa rin mula sa ibinibigay na mga relief assistance ng national at mga local government units sa bansa.
Iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na mula sa kabuuang 4.1 million na mga naapektuhang mga individual sa bansa nasa 1,034,250 pa rin ang mga nananatili sa labas ng evacuation centers.
Sa naturang bilang ang nasa 123,024 individuals ay pansamantalang nanunuluyan sa 1,186 evacuation centers na nasa 17 mga rehiyon.
Habang nasa 911,226 individuals naman ang nasa labas ng evacuation centers, na ibig sabihin nananatili sila sa kanilang mga kaanak o kaibigan muna.